10 Di Pangkaraniwang Salita sa Wikang Tagalog

Trangkahan

  • harang na nabubuksan at naisasara sa gitna ng dalawang pader, bakod, atbp.
  • tinatawag na “gate” sa Ingles.

Hal.

Isara mo ang trangkahan, baka makalabas ang aso.

Yaon

  • isang pandiwa
  • pag-alis ng tao patungo sa isang lugar

Hal.

Yumaon ka at bumili ng bigas.

Alimbuyugin

  • isang pang-uri
  • katangian ng tao na nangangahulugang makitid ang pag-iisip

Hal.

Madalas siyang tawaging alimbuyugin dahil sa kanyang ugali.

Pantablay

  • ginagamit na pambuhay ng baterya ng mga “gadgets”
  • tinatawag na “charger” sa Ingles

Hal.

Anak lowbat na ako, pakikuha ng pantablay.

Duyog

  • nangyayari kapag napapagitna ang buwan sa araw at planetang lupa o napapagitna ang planetang lupa sa araw at buwan
  • tinatawag na “eclipse” sa Ingles

Hal.

Namumula ang buwan dahil sa duyog.

Sulatroniko

  • “elektronikong sulat” na ipinapadala gamit ang internet
  • tinatawag na “email” sa Ingles

Hal.

Nakatanggap ako ng sulatroniko mula sa pinsan kong nasa Canada.

Batlag

  • sinasakyan kapag may pupuntahan
  • makalumang pananalita ng “kotse”

Hal.

Tara sa batlag, kakain tayo sa Mcdonalds.

Kartamoneda

  • bitbiting gamit na pinaglalagyan ng pera, “credit cards,” atbp.
  • mas kilala bilang “pitaka”

Hal.

Naiwan ang kartamoneda ko sa bahay.

Sipi

  • kopya ng isang teksto o bagay

Hal.

Humingi siya ng sipi ng Bibliya.

Agunyas

  • tunog ng kampana o ”bell”

Hal.

Nagsitayo ang lahat ng marinig ang agunyas sapagkat tapos na ang klase.

9 thoughts on “10 Di Pangkaraniwang Salita sa Wikang Tagalog

Leave a comment